Monday, April 27, 2009

THE BAGETS ISSUE ] Here's to the old times (and 25 years of growing up)

IssueNo2Cov3
Cover design Neil Agonoy

"Do you begin to see, then, what kind of world we are creating?” sabi ni George Orwell nu'ng 1949 sa librong 1984. “A world of fear and treachery and torment, a world of trampling and being trampled upon, a world which will grow not less but more merciless as it refines itself. Progress in our world will be progress toward more pain.” Obviously, hindi na-imagine ni Orwell na ipapalabas ng Viva Films ang Bagets ng taong ‘yun.

In this, the second issue of TheSwankStyle, we celebrate the 25th anniversary of 1984. Those days before another Marcos-for-President campaign went full throttle, isang taon pa bago mag Edsa Revolution at mayanig ang mundo. Anong ginagawa mo no’n? Ako, sumayaw sa field demo ng “Always Something There To Remind Me” nakasuot ng canary yellow shorts, nandaya sa school spelling bee (at nanalo!), at nanood ng pelikula. Ng maraming pelikula. Sakay ng Kawasaking motor, dinala kami ng tatay ko sa Maristel Theater sa Valenzuela para manood ng Bagets. “Say something!” inis na sabi ni Rosemarie Gil sa anak niyang si Raymond Lauchenco, na forever deadma sa kanya. Sagot ni Raymond: “Something.” Hindi na pa-tweetums si Sharon Cuneta sa Dapat Ka Bang Mahalin? “Kung saan, kelan at papano ang labanan, magpasabi ka lang, hindi kita uurungan,” hamon niya kay Chanda Romero. Nag-liplock at nag-brush moustaches sina Ronaldo Valdez at Mark Gil sa Apoy sa Iyong Kandungan. Ominous ang car accident sequence sa Sinner or Saint sa buhay--at pagkamatay--ni Claudia Zobel. May carinderia sila Tito, Vic and Joey sa Goodah! Hindi pa pinaghihinalaang bading ang mga thirtysomething na lalaking walang asawa nang gampanan ni Jay Ilagan ang geeky bachelor sa Soltero. Hindi makagat-kagat ni Eddie Garcia and mala-labanos sa puting si Lyka Ugarte dahil nakabantay si Gloria Diaz sa May Lamok sa Loob ng Kulambo. Laging naka-wet kamison ang mga softdrink beauties--Pepsi Paloma at Sarsi Emanuelle at Coca Nicolas--sa Naked Island. Pa’no naman kasi, naligaw si Al Tantay searching for the meaning of life.


“Hindi mo na ‘ko ikakahiya ngayon,” sabi ni Gina Pareno kay Raul Leuterio (Tommy Abuel) sa Working Girls, “I’m a Makati girl now. I can speak English already. Ansafaflu, ansafafla!” “Sabeeeel! This must be love!” pahayag naman ni Carmi Martin. Matapos mag-brief lang sa swimming pool ni Baby Delgado sa Bagets, walang pagod namang nag-layer si Aga Muhlach complete with MJ gloves sa Campus Beat. “Ayoko ng masikip,” sabi ni Maricel Soriano sa Kaya Kong Abutin ang Langit, “Ayoko ng mainit. Ayoko ng putik,” habang naka-finger comb with gel ang kanyang hair from the sides to the back. “Pinapangako ko inay,” sabi ni Sharon Cuneta habang naka-daster at nakatingin sa langit, “Bukas luluhod ang mga tala.”

That year alone, we made 142 movies. 53 action. 35 na drama. 25 na bold. Anim na youth-oriented. 22 comedies. At isang horror. Pili ka lang kung anong gusto mo. “Kung hindi tayo ang kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan?” sabi ni Vilma Santos sa Sister Stella L. Hindi ako natulog sa image ni Julie Vegang possessed sa taas ng aparador sa Lovingly Yours. Nakakatakot din in a different way si Ace Vergel sa Basag Na Pula. Larawan si Lenny Thantoth at PJ Abellana ng misunderstood youth sa klasikong coming-of-age film, The Punks. “Hindi mo kami maiintindihan, Ma. Punks kami.” "I'm standing on the shadow of time," sabi ni Raymond Lauchenco sa Hotshots. Ang hebigat nila Cookie at Albert, Maricel at Yam sa Teenage Marriage. Tinupad ni Vivian Velez ang pantasya ng sangkabaklaan nang maligaw siya sa isang island with ten robust young men all vying for her attention sa Sampung Ahas ni Eba. Nanggagaya lang ng designer patterns noon si Gretchen Barretto sa 14 Going Steady. How kawawa naman the kids in Mga Batang Yagit. Hindi pa natatapos ang taon, may sequel na ang Bagets. “So this is how it feels to be in love, I feel like I’m floating in the skies above,” kanta ni Ramon Christopher kay Claudette Khan, anak ni Odette. “Do you feel the same way, too, when you hold my hand? You don’t have to say a word, I understand.” Quiet lang si Ate Guy sa ‘Merika. May special wedding footages sa The Best of Sharon and Gabby. Nag-boxing match si Maricel at Snooky sa Anak ni Biday vs. Anak ni Waray. Lumabas tuloy hindi talaga marunong mag-Waray si Nida Blanca.

Naka China-chop si Ate Vi sa Alyas Baby Tsina. Nakapangingilabot si Gloria Romero sa Condemned. Kung Harot si Anna Marie Guttierez early in the year, Charot naman si Roderick Paulate. The beginning of the end of the Gabby-Sharon sizzle ang Sa Hirap at Ginhawa. Puwedeng pang On The Lot ang pitch ni Abbo dela Cruz para sa Misteryo sa Tuwa: Anong gagawin mo pag nasa gubat ka’t may nag-crash na eroplanong punong-puno ng pera? Assuming hindi sa'yo nag-crash 'yung eroplano. Pero walang nanood. Is it the title kaya? At nagtapos ang taon with a Regal shocker: the first of a franchise that haunts us hanggang ngayon: Shake, Rattle and Roll. The original, sabi nga ni Ate Luds, is always the best. Biruin mo, a deranged William Martinez getting off on watching Janice de Belen getting it off with a possessed refrigerator? Why not naman? There was something for everyone noong 1984.

I recently saw Bagets again sa relatively big screen ng Mogwai. And to see it again, at 35, hindi ko na inexpect that I will still like it. Pero tumawa pa rin ako, na-charm, goosebumps ng konti. Ang saya-saya ng pelikulang 'to. Siguro sila Maryo J, Bernal, Zialcita, Brocka, Gallaga etc. they made so many good things then dahil naisip nila that we won't be doing quite as good in the decades that will follow. So that in the '90s and the 2000s, wala na tayong gagawin kundi mag-revive at mag-tribute at mag-retrospective. They gave us the most fun, well-made films so that we can just keep looking back. Obviously, pag dating sa prediction-prediction, mas magaling sila kay Orwell.

Photograph from the personal collection of Cesar Hernando.

3 comments:

  1. sana may after 25 years reunion photo...but this is a beautiful cover. concept, bravo!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  2. Wala 'kong budget to shoot them and it will be short of impossible. First kasi hindi mahilig mag-pictorial si Aga Moo, and JC is already in London. He is a pastor there with seven kids. But more importantly, walang budget ang Swank.

    ReplyDelete